Pages

Wednesday, July 06, 2005

LIZ...PROUD TO BE A FILIPINA

Image hosted by TinyPic.com



Si Liz ay naging kaibigan ko dahil sa blogging. English Language Learners teacher sya sa LA at tulad nya sana ang maging teacher ng anak ko sa 5th grade. Goal oriented din sya at talagang dedicated. Ganyan siguro talaga ang mga Pilipina.

Pero kaiba si Liz, dahil dito na sya sa Amerika ipinanganak, mabibilang sa daliri ng isang kamay kung ilang beses palang syang nakakapasyal sa Pilipinas. Noong kausap ko sya isang gabi sa telepono, nabilib ako dahil magaling magsalita ng Tagalog! Mahihiya ang mga Pilipino na isang taon palang dito sa Amerika ay nakakapagtaka kung bakit di na makapagsalita ng diretso sa sariling wika, kapwa Pilipino ang kausap pero "trying hard English" ang sagot.

Proud to be a , ito ang kanyang profile sa LIZ's Noteworthy Thoughts blog: "I'm Elizabeth. I was born in the Big Apple's Manhattan boro, but raised in sunny Los Angeles, California. As a child I grew up embracing the American culture, but I am also very much rooted in Filipino traditions. I've worked in the worst and best neighborhoods of LA county, which has helped me build a strong classroom experience and helped me to meet many friends. Currently, however, I have been working in my hometown as a 5th grade teacher for the past 4 years. I've been happy with the way my life has been turning out. "

Magaling na Teacher sa California, hindi lang sya matatas magsalita ng Tagalog, marunong rin syang sumulat sa ating wika. Sa email nya sa akin, sabi nya:

"Sana mas marami pa tayong matagpuan na Pinay/Pinoy teachers na nagtuturo dito sa Amerika. Alam kong marami tayo dito!!! Kung sa tingin mo ay isa akong magaling na teacher, I'm just a snip of those other 4 super Pinoy teachers dito sa lugar ko...wait till you meet the other 4!!!! Mahusay at masipag magturo ang mga Pinoy! (at napakalinis sa classroom). I never met a Pinoy/Pinay teacher who was a flop! Never talaga! Disneyhand, Crystal Apple, Scholarships, Summer Institutes, Who's Who in America....sobra sobra ang achievements nila! Sana ipagpatuloy natin ang pagsusuporta sa isa't isa at ipagpatuloy na galingan natin lahat! Para naman yun mga ibang taga Pilipinas na gustong magturo dito sa Amerika makasama rin natin sa propesyong ito. "

Nang ipinabasa ko ang email nya sa aking asawa, ang gulat ni Reiner at tanong niya, "Aba! Paano sya natutong mag-Tagalog?". Yung anak kong si Rae kasi di na makapagsalita ng Tagalog kahit na anong kausap ko ng Tagalog. Nakakaintindi pero ang sagot sa akin ay English na. Pinadalhan nga ng Mama ko ng Tagalog story books na may English translation galing sa Adarna Publishing. Tuwang-tuwa naman magbasa si Rae lalo na yung tungkol sa duwende. Siguro may tamang panahon para dyan, kailangan mag Tagalog lessons ang anak ko para di siya pagtawanan pag umuwi ng Pilipinas. Sana paglaki ni Rae maging katulad sya ni Liz, proud to be a Filipina.

Hopefully, sa sem break Liz, makabisita kami dyan sa LA at hindi ko papalampasin ang pagkakataon na magkita tayo.

38 comments:

  1. Anonymous9:15 AM

    bilib nga ako sa iyo eh, u have been here now 3 years sa states nakakatagalog ka pa and nakakasulat ka pa ng tagalog. he he he.. im being sarcastic, this is actually towards ur other post regarding people that have only been here a yr and cnt speak tagalog anymore, hindi lang nakakapagtaka but its mind boggling how u forget to spk ur own language after a year or so.
    i have been here in the states since i was 14 and i still spk tagalog and also bicol fluently.and tama ka sol, TRYING HARD ENGLISH.. and we all know what that is.

    ReplyDelete
  2. ARVIN,

    this is our second year. Kahangahanga talaga ang Tagalog nya, nahihiya akong mag-English pag kausap ko sya. Proud to be a Filipina pero dito na ipinanganak sa Amerika. Sana maging katulad nya ang anak ko. Yung anak ko kasi di na makasalita ng Tagalog kahit na anong kausap ko ng tagalog, nakakaintindi pero ang sagot sa akin English na. Maybe in due time...

    ReplyDelete
  3. Anonymous9:17 AM

    see marisol, in ur daughter situation, that is understandable. she came here at a very young age. everything on tv is english, in school they speak english. but i also see ur point on maybe teaching her how to understand a little tagalog even though she might nt be able to spk the language. like my cousins that were born here, they still understand a little tagalog but they cant spk it. same thing wth my 3 yr old daughter, she understands small words, like kanin, pansit, nanay, tatay but she definitely wld nt be able to spk fluent tagalog. BUT FOR THOSE PEOPLE THAT COME HERE in their early teens or even early 20's and above, there is no way u can forget tagalog that fast, there is just no way...i was talking to dondee yesterday on the phone, he hs been here since the early 90's, we were talking in bicol, not even tagalog. my mom told me one time that there ws this new pinay at her work, that ws in her late 20's, only been here for 2 yrs. she ws asking my mom what was the name of the pinoy dessert that we put ice, milk, sago, beans,etc and we mix mix it.. according her.. how the heck u can forget halo halo whn u have been only here for 2 yrs and u are in ur late 20's whn u came here.. its mind boggling.

    ReplyDelete
  4. Anonymous9:19 AM

    Anyway, my 3 yr old son is the same thing. No matter how hard we try to speak to him in Tagalog, he always respond back in English., he can understand, he just cant speak it. (nasulat ko natong comment na to somehwere, just dont remeber :)

    Arvin, yeah. mind boggling talga and weird ibang pinoy pinay who have been here for only a short time, not even 2 years, di na magsalita ng tagalog..hehe. Ive spent almost half my life here, and theres no way i can forget tagalog..Kita mo naman tagalog pa ko sayo sa phone hehe

    ReplyDelete
  5. Anonymous9:21 AM

    tagalog ba yung salita mo sa akin sa phone?? really.... americanized na kasi yung tagalog mo eh.... he he he. jke lang. but again for our young kids, they wld learn a word here and there but as far as speaking tagalog fluently, i dont thnk that can be taught.everything around them is english. ang masakit pa dyan whn u ask this pinoy/pnay that cant spk tagalog how long they have been here and they say 2 or 3 yrs and they are in their late 20's or early 30's, u just have to shake ur head and smile.. and sometimes laugh..

    ReplyDelete
  6. Hay naku, ka-artehan na yan ng mga tao, di ba? Mula noong kabataan ko tuwing Linggo ng wika itinuturo sa amin ang kasabihan ni Jose Rizal , "ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda". Batu-bato sa langit ang tamaan wag magalit!

    ReplyDelete
  7. Anonymous9:25 AM

    Naalala ko tuloy yung kanta ni Florante

    Wikang pambansa gamit kung salita, Bayan kung sinilangan hangad kung lagi ang kalayaan....

    Naalala ko tuloy ang mga kantang noypi nakalimutan ko magdala ng cd (wala rin pala akong cd'ng madadala kasi pirated lang ang binibili ko) hehehehe...

    ReplyDelete
  8. Anonymous9:26 AM

    i'll add something sa mga magulang na gustong matutong magtagalog ang mag anak. I salaute if you even if it is just for trying, dahil talagang mahirap. Ang anak namin para matutong managalog eh sometimes nagbibingihan kami na hindi namin siya maintindihan para mapilitan siyang magtagalog - it works! pero dalawa kze kami ni misis na nagtuturo - sa ngayon ang tagalog niya eh ang galing ko sa pag-ingles - joke. medyo slang lang yung iba pero he can converse....saka bili kayo ng mga tagalog na libro gaya ng si matsing at si pagong - memorize na ng anak ko yung ibang page kze binabasahan namin siya sa gabi bago matulog. if you guys have more tips - hingi rin ako para mas lalung gumaling yung anak ko. thanks.

    ReplyDelete
  9. Anonymous10:29 AM

    Ironic noh? Ako naman etong nasabak sa outsourcing industry na never pa nakatungtong sa amerika ay sobrang American accent pag magsalita. At minsan binabasa ko ang mga sinusulat ko pati humor ko american na.

    Epekto siguro ng globalisasyon at imperyalismo-- na hindi naman maiiwasan dahil kahit san ka lumingon meron.

    ReplyDelete
  10. Ang galing-galing naman ni Liz! Kudos din sa magulang niya kasi pinalaki nila si Liz na may puso at damdaming pinoy kanit naririyan sa Amerika. Siguro kung lumaki si Liz sa tahanang itinatatwa ng magulang ang pagiging Pilipino hindi siya ganito ngayon. Ang dalawa kong anak na lalaki ng dumating dito sa New Zealand ay nasa edad 5 at 8 taon at mahigit na silang tatlong taon dito, pero hindi pa rin nila nalilimutan ang wika natin. Dito kasi sa aming tahanan pilipino ang aming usapan. Kahit pag natawag kami sa Pilipinas kayang-kaya pa nila makipagusap sa mga kamag-anakan doon sa sariling wika. Kaya nang umuwi sila nitong Disyembre 2004 hindi sila out of place at kayang makisalamuha at makipaglaro sa mga tao doon. Pag sila-sila lang ang naguusap at nagkukulitan inglesan sila ng inglesan pero pag kinausap mo sila ng tagalog sasagutin ka nila sa tagalog. Noong isang ngang gabi ako ay natatawa kasi yong bunso ko may binabasang english-tagalog dictionary. Pag hindi na mga everyday words at mahihirap ng bigkasing pilipino words slang na rin ang kanyang pagbasa. Magpagayunpaman tanungin mo siya kung saan niya gustong tumira at lagi niyang sasabihin na gusto niya sa Philippines. Kahit sa mga school works at homeworks niya pag may pagkakataong isingit niya ang topic tungkol sa bayan natin lagi niya itong inilalagay. Sana gaya ni Liz kalakihan na ng mga bata ko ang pagiging pilipino sa puso at diwa at kaylanman ay taas noo nilang sabihing ako ay Pilipino.

    ReplyDelete
  11. Anonymous3:35 PM

    ang galing naman ni teacher Liz... teacher Sol tama ka dun sa mga sinabi mong trying hard mag english yung ibang pinoy sa ibang bansa.... kahit nga dito sa 'Pinas trying hard na rin mag english yung iba eh, yun bang tipong parang ipinagsisigawan sa madla na marunong syang mag english, kung pakikinggan mo naman halatang trying hard (may kilala akong ganyan). more power to Liz ;)

    ReplyDelete
  12. hello teacher sol! thanks uli dun sa comment mo, ikaw lang ang tanging nagagawi dun, hehehe...

    wow! ang galing naman ni liz...isang katanungan lang...single pa ba yan? hehehe...

    belated happy 4th of july pla sa inyo jan...

    ingats lagi!

    ReplyDelete
  13. ROY, eto pa ang kantang makabayan na itinuturo tuwing Linggo ng Wika sa paaralan namin, 11 years ako doon at taun-taon itinatanim sa isip namin ang kanta, naisa-puso ko na rin, 11 years ba naman...

    Ang bayan kong Pilipinas
    Lupain ng ginto't bulaklak
    Pagibig ang sa kanyang palad
    Nag-alay ng ganda at dilag.

    At sa kanyang yumi at ganda
    Dayuhan ay nahalina
    Bayan ko binihag ka
    Nasadlak sa dusa.



    DONDEE, maganda technique yang sinabi mo ah, deadmahin kapag hindi tagalog ang salita...hehehe. Ginawa na namin yan sa anak ko, di na kami tuluyang kinausap, puro sign language na ang ginagawa. Takot ako, baka maging autistic anak ko *joke* Pero sana basahin nya ng basahin ang mga libro na bigay ng Mama ko galing Pilipinas (English na may Tagalog translation), mukhang interesado naman sya eh.

    ReplyDelete
  14. MIKEY, dati sa probinsya noong elementary at high school magaling akong magpalitpalit sa English at Tagalog sa pagsalita o pagsulat. Nang pumunta akong Maynila, parang di ka magaling kung di ka magsalita ng English kahit kanino. Buti sa UP ako napadpad noong college, di ko gaanong naramdaman na "out-of-place" ako. Kaartehan ko noon, pa-English-English din ako sa mga kausap ko, yun kasi ang "in". Pagdating ko dito sa States, hinanap ko ang sarili ko. Di lang ako na-out-of-place, na-culture shock din ako. Nakilala ko pa sa blogging itong si Isabela, puro Tagalog ang salita nanggaling din ng Amerika yan. Napapahiya tuloy ako. Ayan! Tagalog ang naisulat kong entry ngayon. Ganda di ba? Nararamdaman ko ang pagiging Pilipina ko, lahing Pinoy pala ako...at hindi nakikihiram lang sa mga banyaga.


    GOYONG, tinatamaan ako sa sinasabi mo, hehe, ganyan ako dati, pa-English-English din, feeling may accent. Kaartehan talaga! Sana hindi na natin kailangang umalis pa ng bansa natin para maintindihan natin ang importansya ng ating sariling salita. Pati ang native language ko, di talaga ako nagbi-Bicol kahit kailan noong nasa probinsya ako. Hilaw na Bicolana ang tawag sa akin noon. Tapos noong nag-College ako, ewan ko ba, bigla akong natutong magsalita ng Bicol. Pinagtatawanan ako ng kapatid ko noon, eh bakit ba? Ngayon, tatao na ako magtaram ning Bicol, di ba Dops?, haha, ikaw na nasa Masbate, matuto ka na rin!

    ReplyDelete
  15. Bel, kahit bulok ang Pilipinas mas nanaisin kung maninirahan jan. Ipagpapalit ko ang malaparaisong ganda nitong aking kapaligiran ngayon sa payak na dampa doon sa gitna ng aming bukid. Kung hindi ko nga lamang iniisip ang kinabukasan ng aking mga anak uuwi na lang ako at pagyayamanin ko na ang aking naiwan diyan sa Pilipinas. Kabilang ako sa mga pilipino ayaw mang lisanin ang nakagisingnang bayan ay napilitan dahil sa pagkadismaya at kawalan ng pag-asa sa nagaganap sa ating bayan. Pero narito man ako sa ibang bansa hindi ko kaylanman ikinahihiya ang pagiging Pilipino ko. Alam kong darating din ang panahon na babalik pa rin ako diyan anuman ang mangyari. Iniaayos ko lang ang kalagayan ng mga bata ko dito sa ibang bansa. Kung kaya na nilang tumayo sa kanilang sariling mga paa, uuwi na ako sa bayan kong pinagmulan.

    ReplyDelete
  16. BEL, nagulat ako sa biglang pagsulpot ng comment mo dito habang kaka-publish ko lang ng makata kong pananagalog sagot ko kay Goyong at Mikey..hehe. Ok ba? Sana hindi trying hard Tagalog ang dating ko..haha. Nag-eenjoy din naman ako dahil nami-miss ko na mag-Tagalog. Sigurado ako, pag nabasa ni Liz ang mga comments dito, magugulat din yun..haha. Dahil sayo, Bel, nahawa na ako sayo, may iba pang entries na naka-draft na sa Tagalog rin. Bigla-bigla nalang yan susulpot dito sa blog ko :D Kaya lang, pag nandito ka sa Amerika, imposible na isang language lang ang maririnig ng bata. Sa bahay lang yan nakakarinig ng Tagalog, English Talaga kahit saan at sino kausap. Pero magandang mungkahi yang teaching Filipino Language sa CD, samahan mo na rin ng VCD at DVD, bibili ako nyan. Inaasahan ko rin ang mga aklat na pambata na isinulat mo ha *wink*, sigurado Tagalog yan!

    GOYONG, akala ko nasa Pilipinas ka, nasa New Zealand ka pala nakatira. Natutuwa ako sa pagiging makabayan mo sa isip at salita at sa gawa :D. Nasaan nga pala ang URL mo para mabisita ko rin ang blog mo? Masyado ka rin pa-misteryoso ha. Natawa ako sa pangalawang comment mo, akala ko naligaw ako ng blog dahil kakatapos ko lang mag comment sa makulit na blog ni Isabela...haha.Kabilang ako sa mga pilipino ayaw mang lisanin ang nakagisingnang bayan ay napilitan dahil sa pagkadismaya at kawalan ng pag-asa sa nagaganap sa ating bayan. Pero narito man ako sa ibang bansa hindi ko kaylanman ikinahihiya ang pagiging Pilipino ko. Pareho tayo ng dinidibdib ha, yan din ang paliwanag ko sa aking mga mambabasa dito sa blog ko.

    ReplyDelete
  17. Nandito ako sa Canada at gaya ng anak mo, ang 3 kong anak ay Inglis din ang sagot kapag kinakausap ko sila. Nakakaintindi naman sila ng Tagalog pero ang 2 maliit kong anak ay hindi gaano. Kaya nung nakaraang summer ay mayroon kaming "word of the day." Pasensiya ka na't mag-i-inglis na ako. Everyday, I pick a word and I make them say it. Then at the end of the week, I gave them an oral test. Now, inglis pa rin ang salita nila pero at least nag-i-increase na ang kanilang Tagalog vocabulary. Ngayon maririnig mo na silang magsalita ng, "Do I have to eat prutas?" or "It's kuya's turn to saing," just to name a few.

    ReplyDelete
  18. DARKBLAK, pareho ng sinabi ko kay Boyong ang hirit ko sayo: tinatamaan ako sa sinasabi mo, hehe, ganyan ako dati, pa-English-English din, feeling may accent. Kaartehan talaga! Sana hindi na natin kailangang umalis pa ng bansa natin para maintindihan natin ang importansya ng ating sariling salita. Pati ang native language ko, di talaga ako nagbi-Bicol kahit kailan noong nasa probinsya ako. Hilaw na Bicolana ang tawag sa akin noon. Tapos noong nag-College ako, ewan ko ba, bigla akong natutong magsalita ng Bicol. Pinagtatawanan ako ng kapatid ko noon, eh bakit ba? Ngayon, tatao na ako magtaram ning Bicol, di ba DOPS?, haha, ikaw na nasa Masbate, matuto ka na rin!

    DOPS, sabi mo ako lang ang nagagawi sa blog mo? Hindi 'no! May nakita akong comment sa latest entry mo galing sa 'Kana yun di ba?, tinatanong ka ng mga techie stuff...haha. Plus pogi points yan! Yang 4th of July, ganyan pala dito yan, naglalabasan lahat ng tao at pumupunta sa park para mag-picnic hanggang gabi para sa fire works display naman. Nasa Lincoln Memorial kami, ay grabe! Di ako makapaniwala sa dami ng tao! 30 minutes ang fireworks, napakaganda! Kasama namin pinsan ng asawa ko, nagulat ako nang may biglang sumulpot na mga Pilipino na kakilala nya, sa dami ng tao at sa laki ng lugar, parang ang liit ng mundo para sa mga Pilipino! Nagta-Tagalog kami don, say nyo. Walang pakialam sa mga katabing iba't-ibang lahi, ang lalakas ng boses namin, usap-usap kami ng Tagalog!

    ReplyDelete
  19. siya nga poong tunay, teacher sol at sa lahat ng nag-ko-komento dito. kahit ano pa ang mangyari, pilipino pa rin tayo. Dito ko natutunan na kahit likas sa atin ang pagkakaroon ng pag-iisip na "mas luntian ang damo sa kabilang bakod", napatunayan kong mas masarap pa rin ang sariling bayan, kung saan kung magsusumikap ay "kasing luntian din ang damo kung ikukumpara sa iba"

    o sya, balik trabaho na tau...hehehe

    ReplyDelete
  20. hi sol.. wow tagalog lahat comment dito, bicolin ko pa hehe. ako igdi na ako sa US haluyon na, nong 91 pa, pero tatao pa din magtaram ning tagalog..fluent pa. Pansin ko lang me nakaulayan na akong pinay na interong ininglish ako, sabay hapot ko naman ning tagalog..napahiya sya haha..I found out later kadarating lang dito..okay ba sol bicol ko? :-)

    ReplyDelete
  21. Hi Marisol, *hugs*

    Maraming salamat!!! Alam mo ba na kada-hora binabasa ko ang comments sa blog mo na ito?!? Nagulat talaga ako dahil sa dami ng nagcomment sa isang simpleng subject: Tagalog.

    Nakakatuwa na maraming fellow-bloggers na ipinagpapatuloy bigyan ng importansya ang salita natin.

    Hindi ko malilimutan ang Tagalog kasi ang wika natin ay natural sa pagpapaturong maging mapagrespeto sa kapwa. Walang-wala ang salitang ingles sa pagbibigay nang respeto!

    Nakakainis nga minsan, kapag nasa tindahan Pilipino ako at nakikita ko ang anak ay walang galang! Doon ako galit! Nakikita ko na sinisigawan at hindi itinuturing magulang nila ang mama/papa nila (mga 8 years old lang ang anak! ay nakakahiya!!)

    Nakarining ako ng mentalidad na dahil daw ipinalaki Amerika... sila raw ay "Equal", "Everyone's equal in America!". Hindi na raw kailangan pang mag "Ate/Kuya" at "mag-po" kasi raw nasa-Amerika na raw at iba ang kulturang America. Para sa akin, Fil-Am BS 'yun (excuse me!)! Ang pangit pakingan ang mentalidad na 'yun!

    Gustong-gusto ko ang nakikita na nagtatawagan ng "ate", "kuya", at nagsasabi ng "po" para magbigay nang respeto sa mas matanda ang mga batang maliit. Mahalaga sa ating tradisyon ang magbigay ng respeto sa kapwa. Yan ang pinakamagandang influence ng Tagalog!


    Ang sinabi ni ISABEL na "Sila ang humubog ng isip ni Liz na mahalin ang Pilipinas..", ay tama rin. Natutunan ko ang Pinoy culture kasi in-expose ako sa mga Pinoy magazines, komiks, balitang Pilipinas, video, at musikang Pinoy. Sumisimba rin ang pamilya ko sa Pinoy service. Kada-lingo, bumibisita kami sa bahay ng mga Tita/Tito, tagalog rin ang salita nila tungkol sa mga kababayan nilang Cavitenyo.

    Naiisip ko na mahirap pala ang mag-palaki nang Tagalog-speaking kid sa United States! Ipagpatuloy mo Marisol, kahit mahirap, kasi magiging advantage ni Rae ang maging multi-lingual! At kung sakaling ako ay magkaroon ng anak, sanay managalog din siya!

    Iniisip ko na gayahin ang mga Japanese, Chinese, Korean at saka ang Jewish sa pagpapalaki nila sa kanilang mga anak. Meyron silang "Saturday School". Doon natuturuan at na-rireinforce ang mga anak nilang magsalita, magsulat, magbasa, kumanta at sumayaw ng motherland traditions. Doon 'rin sila nakakapag kuha ng mga private tutors/mentors kung nahihirapan sila sa school, lalong lalo na kapag high school sila(Advance Placement classes, SAT exams, Chemistry, Calculus). Naku, sinusuportahan talaga sila ng mga magulang na maging magaling ang kanilang mga anak.

    Nakita ko rin, willing-na-willing ang mga magulang gumastos ng malaking pera at hirap para lang ipagpatuloy ng kanilang anak ang tradisyon nila. Ang huhusay ng kanilang mga anak nila, at nakakapasok sa magagandang universidad dito sa Amerika tulad ng Harvard, Princeton, Yale, ooohhh mga bigatin!!! Pag-tapos sa college mga bigatin na doctor, attorney, movie producer at iba-iba pang propesyon naabot nila. Sabay tulong sila sa kapwa-nila. Hindi na kailangan maging member ng fraternity/sorority dahil sa daming networks kapag nag-tapos sila sa universities. Empleyado
    agad sila ng mga mentors/kapwa nila.

    Dapat sana, ganoon din tayong mga Pinoy dito sa Amerika! Sige nga Sol, mag-organize na tayo ng special charter school for educating Fil-Ams! Isang idea ko ang magtayo noon dito sa Los Angeles kasi madaming Pinoy dito at maraming mahuhusay na teachers!!! Matupad ko sana, no? =)

    ReplyDelete
  22. LIZ, o mga kababayan, ayan na ang bida..hehe..Nagulat din ako sa reaksyon ng mga mambabasa ng blog ko dito sa entry ko, maganda naman ang epekto di ba? Nalaman natin na kahit nasaang lupalop pa tayo ng mundo, kahit anong sarap ng buhay na tinatamasa natin dito (kumpara sa nangyayari sa Pinas ngayon) kaya pa rin nating mahalin ang ating sariling atin. Di ako makahabol ng reply sa comments nila, habang nagsusulat ako, may sumusulpot na bagong comment, hintayin ko kung ano ang mga saloobin ng iba bago ako magbigay ng finale. Kaibigang LIZ, isa kang inspirasyon sa aming lahat. Sana'y matupad ang iyong mga pangarap. Saludo ako sayo. Ibibigay ko ang suporta ko, sasamahan kita na gawing katotohanan ang pangarap mong magtayo ng paaralan para sa mga Fil-Am kung sana nasa LA din kami, hehe. Unahin natin ang Pinoy Teachers Network, libre ito at mas madali, di ba? *wink* Iniintay naman namin ang message mo doon sa egroup natin, simulan na natin ito! PINOY PRIDE!

    ReplyDelete
  23. naku, kailangang husayan ko ang aking pagsulat sa wikang tagalog kasi... ehem... tagalog ang usapan =)

    nakakatuwa naman at naisipan niyong isulat ang inyong pagbibigay pugay kay liz sa wikang ating kinamulatan.

    natutuwa rin ako at patuloy mong itinatayo ang bandera ng filipina. sana ay madagdagan niyo lang ang bawat panulat ng kahit isang kawing ("link") man lang: <a href="http://www.technorati.com/tag/Filipina" rel="tag">Filipina</a&g.
    kasi ang dami ng kawing ang isa sa ginagawang batayan ng google.

    at ang pinakanakakatuwa ay na ang daming sumusubaybay na ginanahang sumulat din sa wikang tagalog.

    mabuhay!

    ReplyDelete
  24. medyo mali ang lumabas. ulitin natin:
    Filipina

    ReplyDelete
  25. mali pa rin:
    <a href="http://www.technorati.com/tag/Filipina" rel="tag">Filipina</a&gt

    ReplyDelete
  26. proud ako sa mga laking tate pero ang galing paring mag-tagalog. last summer nasa ilocos may mga nakilala akong mga galing US na first time palang makakabisita sa birthplace ng mga magulang nila. Nakilala ko sila at nagulat talaga ako kasi ang kahit na hindi sila magaling sa tagalog, ang gagaling naman nilang mag-ilokano. proud nga ako sa kanila kasi hindi nawala ang respeto nila sa nakatatanda. ang tawag parin nila sa mga kuya ay manong at sa ate, manang. i'm really proud of them lalo na ng malaman ko na every year nagcecelebrate sila ng fiesta sa lugar nila sa L.A. kung nasa L.A. siguro ako, hindi ako mahohomesick.

    ReplyDelete
  27. teacher sol, maganda ang mga books from Adarna. magandang ipabasa mo yon sa baby mo kasi may mga values don na pinoy na pinoy talaga at maganda kasi nakasulat sa english at tagalog.

    ReplyDelete
  28. VONJOBI, galingin mo ang Tagalog mo, dala mo pa man din ang salitang "Filipino" Librarian sa titulo ng blog mo, at ang avatar mo any bandilang Pilipino: Tayo'y magsitayo ng tuwid, ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib, kantahin ang Pambansang Awit ng Pilipinas...
    Parang yan ang gusto kong gawin tuwing makikita ko ang avatar mo, hehe, joke lang po.

    PICHAPIE, papunta ka na pala dito. Malalaman mo ang mga sinasabi ko na mas hahanapin mo ang identity mo pag nandito ka na. malulunod ka sa iba't-ibang lahi na makakasalamuha mo, at hahanapin mo ang sarili mong lahi. Our Pinoy Teachers Network will keep you close to all Filipino Teachers around the globe, we'll learn from each other thru sharing our experiences, and we will inspire our readers to educate the "future of our nation".

    ReplyDelete
  29. Anonymous6:32 AM

    Ang galing! Bilib ako sa kanya kasi buong puso niyang tinanggap ang pagka-Pinoy niya. Para sa akin, para siyang si Apol ng Black Eyed Peas.
    Nakaklungkot lang isipin na marami sa ating kababayan ang hindi na marunong managalog kahit 1 taon pa alng sila dito. Bansa lang naman ang nagbago, hindi ang pagkatao nila.

    ReplyDelete
  30. taas noo ako ay pilipino.

    ReplyDelete
  31. mas masarap mag tagalog.bat ako mag e-inglis kung alam ko namang pinoy din kausap ko aber?hehehehe*kindat*

    ReplyDelete
  32. mabuhay kayong mga mahuhusay, magagaling ant masisipag na pilipino sa amerika! mabuhay ang mga katulad ni liz!:)

    anyway, doon sa nasabi mo na:
    Mahihiya ang mga Pilipino na isang taon palang dito sa Amerika ay nakapagtatka kung bakit di na makapagsalita ng diretso sa sariling wika, kapwa Pilipino ang kausap pero "trying hard English" ang sagot.

    -gusto ko pong mag-comment. isa kasi akong language major (english studies ang pinaka-course ko) at napag-uusapan namin sa klase ang mga ganitong pangyayari. sa ganitong pangyayari, sa tingin ko, hindi natin mabi-blame ang mga taong ito kasi minsan may mga pagkakataong kinakailangan nilang maka-adapt sa paligid nila para sila ay maintindihan. malamang nadadala lang nila ito kahit na kapag kausap nila ay pinoy din dahil nakasanayan.:)

    wala lang. share ko lang ang aking opinion.:)

    ReplyDelete
  33. nakakatuwa talaga si liz at ang galing niyang mag-tagalog. samantalang dito, ang mga bata ay sinasanay na magsalita ng ingles. kaya tuloy madaming bata ang hindi natututo agad magsalita kasi naguguluhan sila kung ano ba talaga ang aaralin nilang linggwahe - tagalog ba o ingles.

    kausapin mo lang ng kausapin si rae ng tagalog kahit sagutin ka niya ng ingles para hindi pa din niya makalimutan. hindi magtatagal, magsasalita din siya ulit ng tagalog.

    isabela, magandang negosyo yang naisip mo. baka pwede ko ding ibenta sa mga pasyenteng may trying hard na mag-english na magulang! magkano porsyento ko? :-D

    ReplyDelete
  34. Anonymous4:12 PM

    tagalog ko po ay barok laki bisaya po ako at umalis ng pinas bata pa pero di naman nakalimutan ang tagalog at bisaya........

    ReplyDelete
  35. dahil nabanggit ang adarna, baka gusto niyong bisitahin ang naisulat ko tungkol sa International Children's Digital Library. puwedeng basahin ang mga aklat ng adarna online =)

    ReplyDelete
  36. RE: PICHAPIE & VONJOBI'S suggestions about Adarna

    Naku, sa eBay...hinahanap ko lagi ang mga books Adarna books na yan!! Nanalo ako ng Ebay auction last year--set of 3 Adarna books! Tuwangtuwa ako... =)

    ReplyDelete
  37. LIZ, Our heartfelt thanks to the inspiration you give us. This is only the beginning of our working with you. We are very sure that by helping us create the Pinoy Teachers Network (will be launched next week, still under construction) you will continously give us inspiration thru your onderful works as a Pinay Teacher.

    EVERYONE, it's the birthday of Liz Genuino today, let's celebrate with her. Please help us with he dissemination of information about our group. Please also support us.

    We are professional Filipino Educators. We are going to inspire, be proactive, give hope and go the extra mile. We believe that these are the values a nation needs from the leadership of its professional educators.

    WE CAN DO IT!

    ReplyDelete