When you hold a torch to light another's path, you brighten your own.
-BEN SWEETLAND
Kakatapos lang naming manood ng pelikulang "Fantastic Four", sa wakas ay napagbigyan ko na ang aking anak sa kanyang pangungulit na panoorin namin ito. Maganda ang pelikula, kuhang-kuha ang mga karakter sa komiks. Pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin, nakatanim sa isip ko hanggang pag-uwi ang lesson na nakuha ko sa pelikula. Sabi sa isang scene doon: "It's not always bad to be different; it depends on how you see it...". Hulaan nyo kung sino ang nagsabi noon. Papaano nga pala kung bulag, nakakakita rin ba sila?
Kung iniisip ninyo na ako ay isang magaling na gurong Filipina dito sa Washington DC, siguro ay magdadalawang isip kayo kapag nakilala ninyo ang Filipinang guro na tinitingala at iniidolo ko dito.
Baguhan ako noong isang taon 2004; talagang "neophyte teacher" na matatawag. Hindi ko maintindihan ang lesson planning, curriculum at state standards na tinatawag nila dito. Gusto ko na ngang umuwi at ituloy ang paaralang itinayo ko sa Pilipinas. Naiiyak na ako, gulong-gulo ang aking isipan, pakiramdam ko ay naglalakad ako sa kadiliman. Madalas akong dumalo sa mga training seminars para sa mga guro, para kahit papaano ay malaman ko ang mga dapat kong gawin sa loob ng aking silid-aralan, at matutunan ko kung ano ang dapat gawin ng isang guro na nagtuturo sa isang inner-city school.
Sa isa sa mga training seminars na pinuntahan ko ay ang Festival of Writing sponsored ng DC Area Writing Project. Parang ako lang ang ibang lahi doon na dumalo, lahat sila ay African-Americans. Sa isang workshop, tinuruan kami ng visualization habang tumutugtog ang CD ng "Drum Prayers". Nakaka-kalma ang tugtog, para akong nasa tabing dagat at ipinaghehele sa duyan, naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa dagat. Sumulat ako ng tula "I Am From".
Nang magsimula nang basahin ng mga katabi ko ang kanilang isinulat, natural atubili ako. Magagaling sila dahil Ingles ang salita nila. Mayroong guro sa harap ko na mukhang Vietnamese, nagtaas ng kamay, at napansin kong bulag sya. Nang sabihin nya sa amin kung anong "nakikita" nya habang tumutugtog ang CD, nagulat ako! "The music brought me back to my home country, the Philippines. I could hear the sound of the waves, I could smell the sea breeze..." di ko na maalala ang ibang sinabi nya. Basta kinilabutan ako!
Pagkatapos nyang magsalita, kinalabit ko sya at sabi ko"kabayan!", tuwang tuwa sya at inimbita nya ako sa tinitirhan niya. Sabi nya papahiramin nya ako ng mga libro para sa State Board Exams na kailangan kong ipasa agad.
Kasama ang 5 pang Filipino Teachers na baguhan rin tulad ko, pumunta kami sa isang 3 storey residential na bahay. Sa bahay, naroon ang kanyang ina na bulag din na kinuha nya galing sa Pilipinas. Isa-isa nyang ipinakita ang mga kuwarto, ang basement, ang laundry area, ang deck, at ang malaking family swing sa back yard. Kahanga-hanga, "ganito ang dream house ko", sabi ko sa sarili ko. At lalo akong napa-bilib nang sabihin nya na sa kanya talaga ang bahay at binili nya iyon. "Kung kaya kong gawin, mas kaya ninyo"...sabi nya.
Sa aming pag-uusap napag-alaman ko na mayroon syang cataracts. Ang lens ng kanyang mga mata ay unti-unting natakpan ng parang film, sanhi ng kanyang tuluyang pagkabulag. Totoong naglalakad sya sa kadiliman, pero hindi iyon naging balakid para di nya magawa ang mga gusto nyang gawin. Ang bulag pala na katulad nya ay nakakakita, sa ibang paraan nga lang.
Sabi nya, "natutunan ko nang tanggapin ang aking mga limitasyon. Hindi ako nahihiyang humingi ng tulong kapag talagang kailangan ko." Sabi pa nya, "napaka-importante ng edukasyon para marating natin ang gusto nating marating, madadala natin ito kasama natin kahit saan tayo pumunta. Malaki ang naging tulong ng edukasyon sa akin".
Si Renee Dunalvo ay isa ring special education teacher dito, pero mga severely handicapped ang tinuturuan nya. Hindi nga sya pinayagan ng dating prinsipal nya na lumipat ng paaralan kung hindi rin lang gurong Filipina rin ang papalit sa kanya. Maganda ang feedback galing sa mga magulang, teacher aides at mga estudyante nya.
Hanggang ngayon, parati ko pa rin syang nakikita sa mga training seminars namin dito, at masaya kami pag nagkakasamang dalawa. Kapag gusto ko nang sumuko dahil sa hirap na dinaranas ko sa mga estudyante ko, nagkakaroon ako ng lakas ng loob ulit kapag naiisip ko si Renee. " Kung kaya kong gawin, mas kaya nyo...". Maraming aral sa buhay akong natutunan sa kanya. Sana kayo rin.
Pumasa ako sa aking PRAXIS 2, ang ikalawang State Board Exam namin, at nagkaroon ako ng professional license for teachers. Maraming salamat sa mga librong ipinahiram ni Renee, isa syang huwarang gurong Filipina!
Renee Dunalvo, Exceptional Filipina!
Magandang Araw Sol. Talagang nakakataba ng puso ang sinulat mong ito. Isang paglalathala at pagpapatunay na kahit sa kabila ng matinding kakulangan, maari tayong umusbong at maging mas magaling.
ReplyDeleteBy the way, you look so elegant and beautiful in this picture. More power.
yan ang pinay!
ReplyDeletemaalala ko, bakit hindi ipatanggal ni teacher renee ang kanyang cataract? sandali lamang yung operasyon, mas matagal pa ang pagpapagaling.
ReplyDeleteInspiring!Sana marami pang mga blog tungkol sa mga taong nagsisikap kahit na anong balakid ang nakahadlang sa kanilang minimithing layunin. Isa ka ring "aktibista". Hindi ka takot sa pagbabago at sumubok ng makabagong paraan para mapalaganap ang pagbibigay ng kaalaman sa karamihan. Matuloy ko Ma'am yong nabanggit ko sa iyong nakaraang article. Alam mo bang dumating pa ang pagkakataon na yong author ng textbook na hindi ko ginagamit ay nagpaseminar sa lahat na guro ng araling panlipunan sa buong bayan namin at nag-alok pa siya sa akin ng scholarship at nag-pahiging pa sa akin kong gusto kong mag-apply sa U.P.I.S. (hindi na ito upper pinagtungulan kundi yong U.P. Integrated School talaga) kasi siya pala ang namamahala nito. Natawa na lang ako sa sarili at sa loob-loob ko kung alam lang nito na hindi ko ginagamit ang kanyang textbook.Nanghihinayang nga ako kung bakit ko hindi ito sinubukan, kasi sapul noong mag-college ako ayaw ko talaga ng buhay sa Maynila, linggo-linggo umuuwi ako sa probinsiya at dumating pa nga ang pagkakataon na araw-araw ako ay uwian Manila-Batangas. Pero ang talagang malaking dahilan ay napamahal na sa akin ang paaralang pinagtuturuan ko , mga estudyante, mga kasamahang guro at maging ang mga madre na binigyan ako ng tiwala at laya na magampanan ko ang aking tungkuling maibahagi sa aking mga mag-aaral ang aking kaalaman sa sarili kong istilo kahit ako ay wala ni isang katiting na karanasan sa pag-tuturo.
ReplyDeletewhat a remarkable woman, and what an inspiring life story! i will be telling my friends and co-workers about ms. renee, the next time we are tempted to gripe and whine about work. :-)
ReplyDeletethanks for sharing the story, teacher sol!
P.S.
ReplyDeletepasensiya ka na ma'am napahaba ang comment ko. Naalala ko tuloy yong sabi ni Patrice sabi na haba eh! Typographical error kaya nya yon o bagong pauso? Ang sarap kasing balikan ng pagtuturo kahit sa pagkukuwento lamang.
Very inspiring story, Teacher Sol. I hope your avid readers would realize that physical disability or any handicap for that matter (and race too) is not a hindrance to success. Starting a life in the US isn’t easy. It takes a lot of sacrifices and hard work to achieve what Renee has accomplished. She is truly a model Filipino.
ReplyDeleteMAJOR TOM, First time mong mag-comment ng diretsong Tagalog, nakaka-challenge di ba? Haha :)Tama ang iyong sinabi, hindi natin dapat tingnan ang ating kapansanan, dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga kakayahan natin. " look so elegant and beautiful in this picture. si Renee yata ang tinitingnan nyo eh, di ako yan, hehe.
ReplyDeleteNIKKI, di ko pa nga natatanong kung bakit di pa sya magpa-opera, hayaan mo itatanong ko. Pero matagal na ring bumabagabag sa isipan ko ang katanungan iyan. 100% ba na siguradong successful ang operation pag ginawa nya yon?
GOYONG, napapa-paniwala mo na ako na guro ka nga noong araw, hehe. Mapag-biro ka kasi, tulad ng asawa ko, kaya di ko na alam ang biro sa totoo. Pasensya ka na, makulit din ako eh. Pero click ka lang dyan sa yahoogroups button ng Pinoy Teachers Network to join, welcome ka naman. Nakakatuwa ang kwento ninyo, klasi nakikita ko ang sarili ko. Di rin ako gumagamit ng textbooks sa klase ko, bihira ang worksheets. Purio hands on activities na may lesson, kasi dapat interactive and creative ang teacher pag special ed ang tinuturuan. Ok lang magkwento ka ng mahahaba, marami akong napupulot na aral sa iyo.
ReplyDeletePETITE,keep shining, sunshine girl! It's really great to hear stories of normal people like Renee's sometimes, she's not a celebrity but her story would really keep you going. You should meet her in person, she has a different aura she exudes, very optimistic.
mabukay ka renee dunalvo. whn i read this kind of stories about an exceptional individual like renee, it gives me the strenght or the boos that i need to continue to go on, not just with my job but also life in general. even though she has certain problems, she does nt allow that to stop her from doing what loves to do... teach.
ReplyDeletewe can all learn from someone like her.
sis marisol,
ReplyDeleteang ganda naman nito! ang ganda ng aral, ang ganda ng istorya at ang ganda ng pagkakasulat! pero higit sa lahat ang ganda ng epekto nya sa mga mambabasang tulad ko.
Tulad mo, minsan nararamdaman ko rin na andami2xng kailangang gawin at aralin... andami2xng kailangang pagsumikapan lalo't may mga pangarap tayong nais abutin. Minsan nga, pakiramdam ko sobrang information overload na... spreading myself too thinly... basta minsan pakiramdam ko, pagod na ako... pero hindi, tulad mo, nakakakuha ako ng lakas ng loob sa mga mahal ko sa buhay at maging sa mga nakikilala ko sa bawat araw na nagdaraan.
Ngayon nga ay nagbukas ako ng internet kasi gusto ko lang kumalma. Para kasing ambilis2x ng lahat. Parang ang taas2x ng pressure. May iskedyul ako ng 6-11 am (Mon-Fri) sa Cubao, 3pm-11pm (Tue-Sat) sa Makati at 1-5pm ng Sunday sa North Edsa. O diba? Kaloka! Imagine mo ba namang umalis ng bahay ng 5.30am at umuwi ng 12:30 the following day... kung sweswertehin, by midnight minsan eh nasa bahay na ako. Buti na lang talaga mabait si God... pag feeling ko ninenerbiyos na ako sa dami ng kailangan kong pagtuunan ng atensyon at lakas, eh binibigyan Nya ako ng paalalang andyan lang Sya sa mga mumunting paraang tulad nito, tulad ng email mo. Hay, minsan iniisip ko talaga, tama sila mama... ansarap maging bata, yung walang responsibilidad, yung walang isipin... pero nauunawaaan ko na hindi maaaring maging bata habambuhay... kailangang magiging matatag, masipag at matyaga kung may nais kang abutin at makamtan... sa lahat ng trainings at daily works ko, di ko maiwasang ma-intimidate... imagine that! ako? sa kakulitan at kakikayang kong ito at sa edad at mga pinagdaanan kong ito, eh naiinitimidate pa rin... hehehe... ganun talaga... buti na lang may SPIRIT tayo...NEVER QUIT! na lagi kong inuusal pagkatapos ng "Angel of God, my guardian dear" prayer (nalimutan ko ang pangalan ng dasal na iyon) at syempre buti na lang natutunan ko na rin ang maging poker face para di ako kaining buhay ng mga trainers ko. hehehe...
o ayan... ang haba2x na nito, basta ang puno't dulo eh salamat po sa magandang babasahing ito. kanya-kanya tayong may mga pagsubok at isipin at alalahanin, pero dahil pinagbubuklod tayo ng ating pagiging magkakapatid, ansarap ng pakiramdam na andyan lang tayo, handang magbigay inspirasyon, o kahit simpleng paramdam lang diba? okey na yun. hehehe... buti na lang talaga, SIGMA BETAN tayo!
sa mga sis na minsan nalilito, o ngayon eh nasusubok ng pagkakataon... REST IF U MUST, BUT DON'T U QUIT!!! and laging tatandaan walang mas sasarap sa tagumpay na iyong pinaghirapan. BOW! =)
Dear Sis Sol,
ReplyDeleteThanks for sharing with us your blog on Renee. She is indeed exceptional.
I hope you won’t mind my sharing this with my fellow UP High School in Iloilo teachers, including one who now teaches in Brooklyn, NY (who is currently on vacation here in the Philippines) and another who will soon teach in Virginia.
Btw, I saw that Dr Letty Penano Ho (Letip to us who were dormmates in the 60s) and Dr Baylen who I met at an International Reading Association convention in the US (he’s also from Iloilo as I am) are in your forward list.
Have a nice day!
SIS LEN P, Na-miss ko ang mga kwento mo, puro halakhak ang ibinigay mo sa akinngayon, kumikirot pa naman ang ngipin ko tuwing ngingiti ako dahil naka-sked ako for root canal on Aug 8. Pero di ko talaga mapigilan sarili ko. Iba talaga ang kabaklaan nating mga sis, may dating di ba? Enjoy ang sulat mo. nag-promise ako kay renee na babasahin ko sa kanya lahat ng makukuha ko na reaksyon tungkol sa feature ko sa kanya. Matatawa yun sa sulat mo.
ReplyDeleteSIS BOPEEP, thanks so much for a heart warming response. I promised Renee that I will read to her all the comments and responses that I got regarding her article. She will be happy to hear your kind words about her.
You must be a big time teacher leader there in UP Visayas if you know Dean Lettry Ho and Dr. Danilo Baylen, they some of my role models; syempre ngayon napag-alaman ko na big time ka, idol na rin kita, sana makilala rin kita ng personal. Dr. Danilo Baylen is a Teacher Leader here in the US, I met him last year during the National Convention of the National Writing Project. I already featured him as a PINOY PRIDE. At sana ma-interview ko nga rin si Dr. Letty Ho na isa sa mga iniidolo ko, balak ko rin syang i-feature dahil isa rin syang huwarang guro. Sis, sana ma-interview din kita at mai-publish sa blog ko, sana yung picture ay magkasama tayong dalawa, *wink* Let me know when you are coming here, mag-meet tayo.
JOHN CLARK, whenever I see your name here, I remember Superman. Don't know why. maybe your name sounds like Clark Kent to me, and I told my husband your name sounds like a celebrity's name. is that your real name? Nice! Yep, if it was hard for us to start a new life here in the US, it's much more difficult for a blind person like her. But her optimism and strong determination is what keeps her going.
ReplyDeleteARVIN, her story is a moral booster for me, indeed very inspiring! That's why I decided to share her story to my blog readers. Let's not let a problem be an excuse. That's another lesson in life she gave me.
It’s not actually my real name. It’s my pen name. And, what’s in that name? Check out my site and you’ll find the reason. As I’ve said in my earlier post, stories like Renee’s really move me. It could help each of us turn our proverbial stumbling blocks into stepping stones. But on the other hand, I must constantly remind myself that there are people out there who are just naturally exceptional like Renee. This is important because I don’t want to set something unrealistically too high for me to achieve. For example, I’m an avid mountaineer myself. But I don’t think I could replicate Erik Weihenmayer’s achievement, the first blind man to conquer Mt. Everest. You see, God uses the circumstances of other people not simply to encourage or motivate us. I believe He does this sometimes just to remind us that He truly exists and how fair He is. Like your talent, Teacher Sol. It magnifies the greatness of our Lord. Isn't it wonderful!
ReplyDeletevery inspiring ang kwento ni ma'am Renee... sa kabila ng kapansanan nya nakakagawa pa rin sya ng mga bagay na kaya ng isang normal.
ReplyDelete"The music brought me back to my home country, the Philippines. I could hear the sound of the waves, I could smell the sea breeze..."
ReplyDeleteay! kinilabutan din ako, mam.
very inspiring naman si renee.
KAREN, girl, naiiyak din ako habang sinusulat ko ang entry ko. Feel na feel ko. Tinawagan ko nga ngayon para basahin ko sa kanya ang comments nyo, pero tatawagan daw nya ako ulit kasi nagpapahid sya ng oil sa katawan nya. Puro trainings din pala ang pinupuntahan nya ngayong summer :D Di lang pala ako ang bugbog sarado sa mga trainings na ito, haha.
ReplyDeleteJOHN CLARK, you are right. People like Renee are not afraid to advance because they believe that God is their light in darkness. Thanks God for making people like Renee extraordinary, and for helping her see many possibilities, despite her handicap.
DARKBLAK, napapabilib nya ako talaga. Sabi nga nya, mag-o-open na raw sya ng email account soon.Tapos sabi nya basta ipadala ko raw ang print out ng faeture article ko sa kanya. Papaano kaya nya mababasa, halos lahat sa bahay nila blind ang mga kasama nya doon. Tapos, nagbigay sya ng resume sakin noong isang linggo lang, sya daw gumawa noon. Well, for Renee, nothing is impossible. May synthesizer na raw ang mga computers ngayon. Marami pa syang ibang pwedeng magawa, nakakagulat nga lang!
ReplyDeleteKA URO, grabe di ba? Nababasa nyo lang kinikilabutan na kayo, ako yung nandoon habang nagsasalita sya, tumatayo ang balahibo ko. Di ko alam kung mahihiya ako sa sarili ko o magiging proud ako dahil pareho nya, Pinay ako.
cheers!!!!
ReplyDeleteerr... uhm... I forgot....
Ah, sorry, este, patawad...
Kailangan nating maging proud(sorry again) bilang noypi... Ganyan tayo eh.. Kahit sang sulok ng mundo, tumatagas (tama po ba) ang pagiging pinoy natin... Right! Nakakataba ng puso... Ganyan ang mga Pinoy!!! Mabuhay tayong lahat... ewan lang sa others... hehehe
hi Sol,
ReplyDeleteLand of my forefathers
Haven of the free
Abode of brown-skinned men
PHILIPPINES, I am from thee.
got teary-eyed of this... made me feel like the proud Filipino among the crowd of many. nice poem.
Renee is admirable! send my deepest admiration to her.
napakagandang kuwento.Isang huwarang tao. ang nag-stand out na karakter niya para sa akin ay ang hindi pagiging madamot. Pinahiram ka niya ng mga libro. Tinulungan ka niya. Marami kasi akong naririnig na kuwento tungkol sa ugali ng mga Pinoy sa US. Yun bang crab mentality o kaisipang talangka.
ReplyDeleteKatunayan, napanood ko pa sa TV yung mamang hunter ng mga nagja-jump bail. Pinay ang hinahabol niya pero nahirapan daw siya. Sa wakas nahuli rin niya dahil isinuplong ng kapwa niya Pinoy. May bayad kasi.Tsk tsk (well, kriminal naman yata kasi)
Si Renee, tinulungan ka niya kahi't hindi ka pa niya masyadong kilala. Bihira 'yan. Ginto. Kahanga-hanga.
nakakainspire naman na malaman ang kwento nya. it's always nice to hear stories like that kasi it pushes other people to reach their highest potentials. "Kung kaya nya, kaya rin natin" mentality.
ReplyDeleteTwo months from now I am also relocating to the US to teach special kids. It's very challenging because I have to prove a lot being a foreigner and all. I passed Praxis 1 last year on my first take (thank God!) but unfortunately I still have to pass Praxis 2. I already took the test twice and honestly I feel frustrated but surprisingly I'm not close to giving up. Now I know why...
This September I will be taking it up again. "One for the Road" nga sabi ko sa co-teachers ko.
She really is an exceptional teacher and an exceptional Filipina. More power to her and to all pinoy teachers.
ReplyDeleteI feel empowered with this story kahit hindi ako teacher! :) thanks teach! for sharing...
ReplyDeleteHey Teacher Sol,
ReplyDeletePatok na naman ang topic. Thanks for sharing Renee's story with us. Mahuhay ka and Renee!
Sis Sol,
ReplyDeleteThis is so inspiring.... nakakaiyak (iyakin kasi ako)... at na touch ako nang husto...At ikaw rin kagaling mong magsulat... prolific writer...How i wish this article will be circulated in the widest way possible. Not only to sing praises to Renee but mostly to inspire other people especially those who are not physically handicapped na minsan ay nawawalan ng pag-asa at kinukulang na sa pagsisikap at tamad. (Do i sound so judgemental?we'll that's my observation) Anyway, I wish you more power and please do pass my warm greetings to Renee... May God be with you always.
Love you...
MARISOL, this blog hits me...humbles me. Man!!!!
ReplyDeleteIt makes me think twice before complaining about little things that I think seem impossible to do in life. It teaches me to refrain from grumbling nonsense! Glad you posted this.
"I consider my students my friends too; I always learn from them. I also engage in open and encouraging discussions with them."
ReplyDelete*Sniff* That's how I felt when I was teaching. At that time I received a lot of flak for not being like everyone else. I was too "unacademic" for academe and "not scholarly" for school. I miss teaching, but I'd rather stay away since I feel I may be doing more harm than good. I knew from the start that I lacked content... but heck, in my profession no one wanted to teach, all wanted to go into industry.
Ay, sori, napahaba ang react. :D Aliw kasi ang topic posts mo, e.
RICHARD,man, why do you have to hold back yourself? Express yourself freely, just write, let your thoughts flow, Tagalog or English acceptable dito. Ikaw talagang bata ka, masyado kang mahiyain eh. Cheers to us Pinoys! Keep blogging dude!
ReplyDeleteBING, you made me read again my poem, hehe, never felt the real meaning of it 'til now. I was under pressure kasi when I was writing it in that class. I felt the shivers too.
BEL, tama ka, girl. Di ko nabigyang halaga yang katangian na yan until sinabi mo ngayon. Oo nga, isang ginto si Renee bukod sa pagiging kakaiba nya sa pero nabubuhay sya ng mas may prinsipyo kesa saatin, bukal din ang kanyang kalooban. Bihira talaga ang mga katulad nya, di ba? Pag kasama ko sya, positive talaga ang enery nya, nakakahawa (hindi halata sa picture?) at nakakapagbigay sya ng lakas ng loob at inspirasyon sa akin. Bihira ko lang makita ang ganyan sa mga tao. Pag naka-spot ako ng very inspiring sa akin, talagang gusto kong i-share sa inyo. Baka sakaling kapulutan din ng aral. Hindi ako nagkamali sa kanya.
ReplyDeletePICHAPIE, Praxis 2, puro Content Area ang pag-aralan mo girl. OT naman ang background mo, pag nagfocus ka talaga kakayanin yan ng powers mo. Pag pumunta ka na dito, tawagan mo ako agad. Magkalapit lang tayo, magtulungan tayo. Taga-Maryland nga pala si Renee, doon ang punta mo di ba?
RHEA,"ang mas mportante ay ang mga batang natuto ng dahil sa tulong nating mga guro" MABUHAY KA! Bihira ang mga guro na ganyan mag-isip. Naka-link na nga pala ang blog mo sa Pinoy Teachers Network Bulletin Board, maaari ka ring mag blog hopping at mag-iwan ng messages sa mga iba pang Teacher Bloggers na naka-link doon. Keep shining!
ReplyDeleteTEACHER LUCHIE, indeed a very motivating story! Thanks for that entry in your blog. One of the things that I really prepare for (like it's my birthday, haha) is Parent-Teacher Conferences. One thing that matters most to me is parent involvement in their child's education. Thanks for sharing.
DUKE, it's my pleasure to share with all of you very inspiring stories like this. If it empowered me, I guess it will do the same to you. And it did!
ReplyDeleteANONYMOUS, sure. I will let Renee know about all your comments, matutuwa na naman yon sigurado. I don't know why I keep looking forward for your comments in my every entry. You are very mysterious to me...
SIS NENENG J., one thing also striking about Renee is that she knows how to accept her limitations, and sha makes her limitations work to her advantage. Mahirap yan gawin, di ko yata kakayanin kung nagkapalit kami ng sitwasyon. Iyakin din ako at madalas mag self-pity agad. With Renee, moral courage is being lived everyday; which is what we need more often than physical courage.
NAVYBLU789 (liz), hello! Let's hold on tight to PTN, mahirap pala pero kaya natin yan. Isipin natin si Renee, and you got it girl, "It makes me think twice before complaining about little things that I think seem impossible to do in life. It teaches me to refrain from grumbling nonsense! Good insight for all of us.
ReplyDeleteIGOR, there are members in my link and the PTN who are graduates of BS/ MA ILS in UP; you might know some of them. I guess content is very important too in teaching, but it would be better to integrate enjoyment and having fun with the students. My husband (your very loyal student back then) is happy to have found you. He couldn't help reminiscing having you as his friend/ professor, proof of the impact you had in his life. Thanks to Watson for showing you to my blog.
Magandang araw Sol. Bagamat kaaliw-aliw rin si Ms. Renee, but I was really referring to you.
ReplyDeleteYung nga, hindi ako masyado nakakapagsalita ng tagalog dito sa Zamboanga ngunit nabihasa rin and dila ko sa pagsasaad sa salitang tagalog ng tumagal ako noon sa Manila.
yes Sol sa Maryland ako... We made arrangements na nga in Largo. Naku excited na tuloy ako! I'll call you as soon as I get there. I'm so eager to meet Renee and you in person.
ReplyDeletedear sol,
ReplyDeletebukod sa matalino, mahusay na ina at maybahay ka, napakabuti mo ring kababayan.
sana'y di ka magbago pag marami ka ng medalya sa katawan!
love,
mommy tess
MAJOR TOM, practice makes perfect daw di ba? Pero marami nga akong kakilala na taga-Visayas o Mindanao na mas magaling mag-English kesa Tagalog. Walang problema, basta kung saan ka kumportable, express yourself!
ReplyDeletePICHAPIE, sa Largo, dyan ako araw-araw ang last stop ko sa train, tapos sinusundo ako ng car pool ko sa train station to travel 30 mins oa going to Baltimore, maryland for this training. Prince Georges County ka ba magtuturo? Malapit lang yan sa Largo. tapos may maganda at malaking mall dyan, doon namin pinanood ang Fantastic Four. Si Michael Jordan ang may-ari ng buong shopping center, super laki talaga!!!
MOMMY TESS, salamat for the kind words. Pay the grace forward...
huwaw! first word i utter whilst reading this..grabeh, ganda ng pgkakasulat mo, nkaktouch! mabuhay tayong mga piNas abroad..
ReplyDeleteTunay na nakakaganyak at nakapagbibigay ng lakas sa mga nanghihina ang kuwento ni Renee Dunalvo.
ReplyDeleteTulad ng maraming guro dito sa ating bansa, may mga pagkakataon ding nakakaranas ako ng panghihina. Ito'y dahil sa kalagayan ng kabuhayan at kaayusan ng trabaho. Sa dami ng hamon, minsan 'di mo maiiwasang magtanong, manghina at mawalan ng gana.
Sa tulad kung nagnanais ng isang positibong pagbabago lalo na sa larangan ng edukasyon at sa mga batayang pagpapahalagang umiiral ngayon sa larangan ng pagtuturo at pamamahala, ang kuwentong ito ay nakapupukaw.
Mabuhay si Renee at lahat ng gurong Pinoy!
Just got back from our Hawaiian holiday and currently trying to clean-up my e-mails.
ReplyDeleteI want you to know that the Renee story (and the responses) that you shared clearly explains my interest in your info loop. Na-mesmerize ako sa power ng message!!!!!
Mind you it is not the Renee story that deeply touched me. There are countless books written about heros conquerring monumental struggles ( Helen Keller for one) It is the genuine spirit that empowered you to share this excellently crafted personal story, and the subsequent impact on your target audience.
You can move mountains!!!!!!! More power to you.
Tita Cita
PS When will I meet my Neighbor Renee.?? Please give her my phone # again.